Lunes, Hulyo 16, 2012

Pag-ibig

Blog#2 

"Pag-ibig"

Ang pa-ibig daw ay pangdalawahang emosyon

Hindi mo malaman dito sa puso ang misyon

Ito ang magpapasaya o magpapalungkot

Ang puso mo’y magagalak o mapupuot

 

Ang dumanas ng pag-ibig ay hindi ko alam

Tulang ito’y base lamang sa nakakaramdam

Pagibig na wagas daw kung kanilang ituring

Ngunit ibang araw lang iba na ang kapiling

 

Kabataan ngaun pag-ibig ang bukang bibig

Katwiran nila’y sila daw ay umiibig

Ngunit ang pag-ibig daw ay ‘di nakabubuti

Kung pag-aaral ay bagsak tulad ng dati

 

Ang tunay na pag-ibig ay di nakasasama

Bagkus sa iyong magulang ay tumatalima

Walang kapahamakan magulang lang ang sundin

Gabay sila sa buhay na may nais marating

 

Kung ang pag-ibig na nais ay wagas at tapat

Bakit hindi nalang sa Diyos ito ilapat

Ang pag-ibig ng Diyos ay tapat nasan kaman

‘Di magbabago’t magmamaliw kailanman 

 

Blinself _adet

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento