Blog # 3.
Pag-ibig ng Isang Ina
Ilaw nitong tahanan
kung siya’y ating itinuturing
Gabay at pumapatnubay
sa kanyang mga supling
Masipag, matiyaga at siya’y maunawain
Mabuting may bahay, tapat at mapagmahal man din
Nag-aruga, nagpalaki sa anak na talusaling
Pasakit at hinanakit araw-araw yaring daing
Sa anak na minamahal respeto ay tanging hiling
Kaylupit na wari bingi’y ‘di marinig itong hiling.
Bakit nga ba kabataan ay kayhirap intindihin?
At ang ina’y kontrabida na lagi sa paningin.
Natitiis kahit pa ilang araw na ‘di pansinin,
Kung kausap mas mataas pa ang boses kung sagutin.
Oh! Kayhirap maging ina tila baga susuko na,
Kapakanan nitong anak ang palaging inuuna,
Sa gabi ‘di mkatulog at balisa sa tuwi-tuwina,
Mabigat man sa loob ay ‘di parin alintana.
Napupuyat kung pa-uwi ay di niya naaalala,
Bagabag ang kalooban puno ng luha ang mata.
Paggising mo sa umaga sa pintuan bubungad siya,
Isang kataga ma’y walang mahintay na bigkasin niya.
Oh! Kayhirap, oh! Kayhirap ngang tunay na maging ina,
Tila baga ang mundo mo’y walang kulay walang sigla.
Paninikip nitong
dibdib ay palaging nadarama,
Tuloy pa din sa paglaban huwag mawalan ng pag-asa.
Isang araw ay
diringgin panalangin sa lumikha,
Babalik ‘din pamamahal at ang respeto ng kusa.
Sa panahong ganap na ngang alinlangan nila’y mawala,
At matanggap sa sarili’y Ina pala’y kinawawa.
Dahil dito napagtanto nagawang pagkakamali,
Nang anak na palalo at tunay na mapaghili.
Kontrabida sa paningin pagmamahqal ay walang maliw,
Patawad ‘di ipagkakait sa anak na ginigiliw.
blinself_adet_
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento